August

Natatawa ako kapag naalala ko lahat ng ngyari noong huling taon. Lahat kinakapa ko, lahat hindi sapat, lahat kinukuha, lahat susubukan, lahat iiwan lahat itatanong at sasagutin, lahat lahat… ang totoo wala kahit na ano ang gusto. Lahat iaasa sa “bata pa ako”. 

Sabi nila sa edad na early 20’s, maraming tao ang dadaan lang sa buhay mo. Yung iba, marahil di mo namalayan o di na maalala ang pangalan. May iba naman na, iltimo kulay ng mata “chestnut brown” pa nga ang tawag ko sa kulay nya. Merong araw araw mo kausap, ngayon ni simple tango di na magawa. 

May iba talagang hinding hindi ka mababasa kahit anong gawin mo pagpapakilala, kasi sya nakatingin sa mga letra, at ikaw dinidinig pala bawat hinga nya. 

Marami sakanila ang ilalayo mong pilit, dahil takot ka na gusto mo sya, at gugustuhin pa, at maaga pa, at madami pa, at lecheng “maaga at madami pa”… 

Yung iba kusang lalayo at harapharapan kang aayawan….

Yung iba wala lang, mangaasar lang.

Hangang kailan nga ba tayo titigil kumilala?

Hangang kailan natin kayang lumimot ng mga bagay na pilit nating inaalala? 

August nagsimula. 

August, tama na. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s