UV Express

August 4, 2015 Tuesday.

 

Kanina habang patungo sa sakayan ng van, isa lang ang aking napagtatanto yun ay ang iniisip parin kita.

Paano ka nga ba nagcocommute mula alasyete imeja ng umaga upang makarating ng paaralan ng alas nuwebe kasabay ng gurong paborito kang pagbuhatin ng kanyang mga daladala?

Pagbukas ng van ng mamang may marka ng araw sa kanyang kanang tainga. Bumungad saakin ay isang babaing inip na inip tila ako’y pinagmamadali sa pagsakay at isang binatilyong napatingin saakin ng isang segundo, may kausap sa kanyang telepono nagtatanong kung paano sumakay papuntang SM north.

IKAW. Ikaw yon. Pilit kong sinasabi saaking isip na hindi ngunit patuloy akong hinahanap ang inyong pagkakapareho.

Una, habang may kausap sa telepono ay yakap nya ang kanyang bag na tila may mga laman na libro na handang sumagip sa kanyang inaantok na tindig habang nakaupo.

Ikalawa, dalidali kong tinignan ang kanyang suot. Tumpak! Parehas kayo ng tshirt na may tatak na University of Sto. Thomas.

binasa ko ang mga katagang “College of Music” ng paulit ulit kasi baka hindi na ako marunong bumasa. Paulit ulit hanggang lumitaw ang salitang “Accountancy”.

Tinabihan ko sya.

Humaging  din saaking isip yung mga pagkakataon kung saan ipinaaalam mo saakin na nasa coastal ka palang, na nakaidlip ka, kung gaano katagal ang traffic sa Macapagal, at kung gaano mo ako kaMAHAL…
Malapit na mag alas nuwebe, lahat ng tao sa Van ay kanya kanyang text at pagpapakita ng inip sa traffic.
ngunit ang lalaking katabi ko, tila di alintana ang araw na tirik na tirik. Tama nga ako yung bag pack na yon ay para din sa mga taong bumabawi ng tulog mula sa magdamag na pagpupuyat dahil sa Insomia katulad mo.

Ikaw nanaman ang nakita ko mula sa pagkakayuko ng kanyang ulo, aking naaalala yung mga panahon kung saan kausap kita sa facebook, naririnig bawat yabag ng paa mo habang pababa ng hagdanan, ang lagaslas ng tubig sa gripo habang nagttoothbrush ka, hanggang sa paglapat ng ulo mo sa kama.
Hanggang ngayon naririnig ko pa. yung boses mo habang nagpapatawa at pinapahaba ang mga bagay na wala na ngang kwenta para magkakwenta itong gabi na kausap pa kita.
Nararamdaman ko pa ang pagtugtog mo ng pyesa sa gabing wala akong masabi kundi “Ayokong Kumanta”.
Naaaninag ko pa yung mga pictures na ipinapapasa mo habang kausap kita. Litrato na ikaw lang magisa, kung saan tinatanaw ko sa iyong mga mata kung gaano ka kasaya. Litrato ng tayong dalawa, kung saan ayoko ng matapos pa.

TAMA NA.

Tirik na ang araw.

Gising ka na kaya? Minsan sa mga umaga, sumagi din ba saiyong isip na “Gusto ko  syang Makita”, kahit “I message ko kaya sya” kasi ako, Araw – araw kasabay ng kung Ako pa kaya yung “Sya” sa mga naiisip mo na linya.

Isang kanto nalang. Intersection na.

Bakit nga ba ako tumabi dito sa binatilyong to?..
Marahil gusto ko lang ulit maramdaman yung mga bagay na yon.
Na possible palang maibalik ang mga alaala na untiunti ng nawawala.
Dito nalang ho sa tabi, ako’y baba na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s